^

Police Metro

2 motor nagsalpukan: 4 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang apat katao nang magsalpukan ang kanilang mga sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Vincent Ulysses Vargas, 25; Reanay Incensio Buenaventura, 16;  Jayson Naraja Badal, 24, at Dionan Guban Cortez, 26.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Congressional Avenue, kanto ng Hereford St., ng nasabing barangay.

Ayon kay PSMS Jayson Darriguez, bago ang aksidente ay sakay ng Kawasaki Rouser motorcycle (No. 610-PJO), si Badal, angkas si Cortez, at binabaybay ang kahabaan ng Congressional Ave., galing EDSA patungong Mindanao Ave., nang makasalpukan nito ang minamanehong Suzuki Skydrive motorcycle (No. 565-UCI) ni Vargas, na angkas naman si Buenaventura.

Sa lakas nang salpukan ay pawang tumilapon ang riders at kanilang mga angkas na agad naisugod ng ambulansiya ng Brgy. Bahay Toro sa Quezon City Ge­neral Hospital upang malapatan ng lunas.

AKSIDENTE

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with