^

Police Metro

PNP natukoy na ang nag-post ng pekeng BI appointment

Malou Escudero - Pang-masa
PNP natukoy na ang nag-post ng pekeng BI appointment
This undated photo shows the Bureau of Immigration main office in Intramuros, Manila.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na natukoy na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung sinu-sino ang mga nag-post tungkol sa pekeng dokumento kung saan pinalabas na nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang commissioner sa Bureau of Immigration,

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Azurin na may “breakthrough” na ang CIDG sa pamumuno ni Brig. Gen. Ronald Lee pero hindi pa maaaring isiwalat dahil patuloy pa rin ang imbes­ti­gasyon.

“Mayroon naman po tayong mga kung baga sa kuwan ay mga breakthrough doon but we deemed it ano na huwag muna hong iano kasi ongoing pa po ang follow up but there are breakthroughs already. We were able to identify yung mga nag post po doon,” ani Azurin.

Nauna rito nagbabala si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maa­aring­ makulong ng mula 12 hanggang 20 taon ang sinumang nameke ng Great Seal of the Govern­ment, lagda o stamp ng Pangulo.

Nakakaalarma rin aniya na nangyayayari ito sa Office of the President na dapat ay iginagalang sa lahat ng oras. Tiniyak ni Azurin na isisiwalat sa publiko ang magiging resulta ng imbestigasyon.

CIDG

RODOLFO AZURIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with