^

Police Metro

Pinas target umangkat ng 150,000 MT ng asukal

Malou Escudero - Pang-masa
Pinas target umangkat ng 150,000 MT ng asukal
Ayon kay Cruz-Angeles, naabot ang kasunduan sa pakikipagpulong ni Marcos Jr. kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri at mga nasa industriya ng asukal sa Malacañang noong Miyerkules, Agosto 17, 2022.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kaha­pon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na pumayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na umangkat­ ng 150,000 metriko tonela­dang asukal.

Ayon kay Cruz-Angeles, naabot ang kasunduan sa pakikipagpulong ni Marcos Jr. kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri at mga nasa industriya ng asukal sa Malacañang noong Miyerkules, Agosto 17, 2022.

Sinabi ni Cruz-Angeles na ang 150,000 MT ang panukalang dami ng asukal na aangkatin.

“Yun po ang proposed quantity for importation gawa ng panga­ngailangan ng mga industriyal na tinatawag ng ating Pangulo,” sabi ni Cruz-Angeles.

Ayon pa kay Cruz-Angeles, ang mismong malalaking negosyo na gumagamit ng asukal sa kanilang produkto ang nakausap ng Pangulo.

Pero wala pa aniyang itinakdang araw o buwan kung kailan aangkatin ang 150,000 MT ng asukal.

Matatandaan na sa ling­guhang vlog na na-up­load noong Linggo, sinabi ni Marcos na ma­aaring mag-import ng asukal ang pamahalaan ng hanggang 150,000 met­riko tonelada na kalahati ng naunang mungkahi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na maaaring gawin sa Oktubre.

IMPORT

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with