^

Police Metro

Growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

Danilo Garcia - Pang-masa
Growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba â OCTA
Patients' relatives queue at Amang Rodriguez Hospital Memorial Medical Center in Marikina City on Monday, March 15, 2021, exactly one year since the Philippine government imposed a pandemic lockdowns.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Naitala ng independent­ monitoring group na OCTA Research ang pagbaba sa mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, may naitalang 845 na bagong COVID-19 cases sa Metro Manila sa araw ng Miyerkules, Agosto 17 base sa ulat ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, bumaba sa 1,173 ang seven-day ave­rage para sa average daily attack rate (ADAR) na 8.14.

Bumaba rin ang reproduction number sa NCR sa 1.03 hanggang Agosto 14, mula sa dating 1.18 noong Agosto 7.

Base rin sa datos hanggang Agosto 16, nasa 15.7 porsyento ang one-week COVID-19 positivity rate sa Kalakhang Maynila, mula sa 17.1 porsyento noong Agosto 9.

Nasa 37 porsyento na­man ang healthcare utilization habang 31 porsyento ang ICU occupancy hanggang Agosto 16.

Gayunman, nananatili aniya sa moderate risk ang NCR “as this time as level of infections remain significant,” ani David. - Angie dela Cruz

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with