^

Police Metro

P2.5 milyon shabu nasabat sa 2 lalaki

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspek ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­aresto na sina Joel Gan Jr., alyas ‘Nok’, binata, ng Honorato Romero St., Tanza, Cavite; at Micaella Malto, 26, waitress, ng Zafiro Dia­mante, San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat, alas-10:40 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng mga mi­yembro ng Drug Enforcement Team ng Malate Police Station 9 sa may kanto ng San Andres Street at Osmeña Highway, Malate.

Kumagat sa pain ng mga pulis ang dalawang suspek nang pagbilhan nila ng iligal na droga ang ka­nilang poseur buyer at hindi na nakapalag nang magpakita ang mga pulis matapos ang bentahan.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang tatlong pirasong heat-sealed plastic­ sachet at dalawang knot-tied plastic na naglalaman ng tinatayang 373 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P2,536,000.00.

Isang kalibre .38 na baril na may anim na bala rin ang nakumpiska kay Gan at ang tatlong P100 bill at anim na P50 bills na ginamit bilang marked money sa operasyon.

Ang dalawa ay kina­suhan ng paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang ihahain kay Gan sa Manila City prosecutor’s office.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with