^

Police Metro

Bahagi ng Ninoy Aquino Avenue, isasara sa Agosto 19-22

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang isasara ng Parañaque Traffic Parking and Management Office (TPMO) sa mga motorista ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue mula Agosto 19 hanggang 22 upang bigyan ng daan ang konstruksyon ng Ninoy Aquino Station ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Batay sa advisory ng DOTr, nabatid na ang northbound at southbound lanes ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge ay pansamantalang isasarado sa trapiko simula alas-6:00 ng gabi ngayong Biyernes, Agosto 19, hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Lunes, Agosto 22.

Pinayuhan din nito ang mga apektadong motorista na maghanap ng mga alter­natibong ruta.

Ang mga patungong­ northbound anila ay maa­aring kumanan sa Old Sucat­ Rd. (harapan ng SM Sucat) C5 Extension Rd. Multinational Ninoy Aquino Ave. (Duty Free), kaliwa sa Ka­bihasnan (Victor Medina St.) Quirino Ave. o Cavitex Coastal Road.

Ang mga pa-southbound naman ay maa­aring kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. AMVEL Ninoy Aquino Ave. (Airforce One/PCP Station 3) o kaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. Old Sucat Rd. exit (Head Quarters/Brgy. San Dionisio Hall) U-turn sa Palanyag, Quirino Ave. Kabihasnan (Victor Medina St.) Ninoy Aquino Ave.

Ang Ninoy Aquino Ave­nue ang siyang nagkoko­nekta sa Pasay City at Parañaque City.

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with