^

Police Metro

23K pulis ikakalat sa face to face classes

Doris Franche - Pang-masa
23K pulis ikakalat sa face to face classes
Pupils of Concepcion Elementary School in Marikina attend bridging classes on Wednesday, Aug. 10, 2022. A bridging class is designed for students to catch up the subjects that are needed to be mastered including Math, Science, AP and English.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 23,000 pulis ang ikakalat sa buong bansa para magbigay ng seguridad sa face-to-face classes sa Lunes, Agosto 22.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga pulis­ ay itatalaga bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., na inatasan na niya ang lahat ng police units sa buong bansa na simulan na ang pagpapatupad ng security measures upang matiyak ang seguridad ng mga guro at estudyante sa pag­sisimula ng face-to-face classes.

Nagpalabas na rin sila ng memoran­dum para sa isasagawang strategic deploy­ment ng mga pulis sa iba’t ibang paaralan, unibersidad at transportation terminals upang maiiwasan ang insidente ng pickpocket, snatching at robbery hold up kung saan posibleng mabiktima ay mga estudyante at guro.

Ikakalat din ang PNP Covid-19 patrollers upang paalalahanan ang publiko sa minimum public health standards kabilang ang physical distance, pagsusuot ng face mask, alcohol at paghuhugas ng kamay.

Sinabi rin ni Azurin na sa Metro Manila ay paiigtingin ang koordinasyon sa mga local go­vernment units kaugnay ng zoning ordinance sa mga paaralan partikular­ sa University Belt kung saan ipinagbabawal ang operasyon ng video game shops, billiards establishments at iba pang liba­ngan.

FACE TO FACE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with