^

Police Metro

Banta ng COVID-19 patuloy Pangulong Marcos: State of Public Emergency palalawigin

Malou Escudero - Pang-masa
Banta ng COVID-19 patuloy Pangulong Marcos: State of Public Emergency palalawigin
It also recorded 9,062 new recoveries, as the number of those who survived the disease increased to 408,634, which accounted for 92.9 percent of total cases. The number of active cases is at 22,646 or 5.1 percent of the total. A high 90.4 percent of active cases are mild and asymptomatic.
AFP / Yonhap

MANILA, Philippines — Dahil patuloy pa ang banta sa COVID-19 ay palalawigin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang umiiral na State of Public Health Emergency na matatapos sa Setyembre 12.

Sinabi ni Marcos na kinausap na niya si Health Officer-in-Charge Under­secretary Maria Rosario Vergeire para sa naturang usapin.

Paliwanag ng Pangulo, kapag nasa State of Public Health Emergency ang isang bansa, maraming bansa ang nagbibigay ng bakuna kontra COVID-19.

“At kung itigil natin ‘yung state of emergency, matitigil ‘yun. But if we can change — we are looking at amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na maaaring palawigin ang State of Public Health Emergency hanggang sa katapusan ng taon.

Marso 8, 2020 nang lagdaan ni dating­ Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Number 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with