^

Police Metro

Mag-amang Marcos, nagpa-2nd COVID-19 booster shot

Malou Escudero - Pang-masa
Mag-amang Marcos, nagpa-2nd COVID-19 booster shot
Sabay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at anak niyang si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na nagpabakuna ng panga­lawang booster laban sa COVID-19 sa vaccination site sa SM City Manila, kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagpaturok na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at anak na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ng kanilang pangalawang booster shot laban sa COVID-19.

Sa kanyang talumpati sa “PinasLakas Vaccination Campaign sa SM Manila, muling iginiit ni Marcos ang kahalagahan ng booster shots kaya personal siyang dumalo sa okasyon.

Sinabi ni Marcos na nais niyang ipa­kita sa mga mamamayan na ligtas at epektibo ang bakuna.

Si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang nag­bigay ng ikalawang booster shot sa Pangulo habang si Manila Mayor Honey Lacuna ang kay Sandro.

Sinabi ni Marcos na upang makumpleto ang bakuna ay dapat makum­pleto ang booster shot upang magtuluy-tuloy na bukas ang ekonomiya.

Tiniyak ni Marcos na kahit pa magkaroon ng side effect ang booster shot ay hindi naman magiging malubha ang epekto ng COVID-19 at lahat ng ibang variants. - Danilo Garcia

COVID-19 VACCINE

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with