^

Police Metro

Monkeypox papalitan ng pangalan

Danilo Garcia - Pang-masa
Monkeypox papalitan ng pangalan
In this file photo taken on January 07, 2011 this handout photo provided by the Centers for Disease Control and Prevention was taken in 1997 during an investigation into an outbreak of monkeypox, which took place in the Democratic Republic of the Congo (DRC), and depicts the dorsal surfaces of a monkeypox case in a patient who was displaying the appearance of the characteristic rash during its recuperative stage. The US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) said June 3, 2022 it was aware of more than 700 global cases of monkeypox, including 21 in the United States, with investigations now suggesting it is spreading inside the country.
Brian W.J. Mahy / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

MANILA, Philippines — Upang mabawasan ang kahihiyan na idudulot sa dadapuan ng “monkeypox virus” ay humihingi ngayon ang World Health Organization (WHO) sa publiko para lumikha ng bagong itatawag sa nasabing virus.

Ayon sa mga eksperto, labis na napapasama ang mga ‘primates’ o unggoy dahil sa pagpangalan sa mga ito ng naturang virus, kahit na napakaliit ng kanilang papel sa pagkalat nito. 

Sumasama rin ang pagkakakilanlan sa Africa na palagiang idinidikit ang uri ng unggoy sa natu­rang kontinente.

Patunay nito ang napa­ulat na pag-atake ng mga tao sa mga unggoy dahil sa takot na ang mga ito ang nagpapakalat ng virus.

“Human monkeypox was given its name before current best practices in naming diseases,” paliwanag ni WHO spokeswoman Fadela Chaib kung paano napangalanan ang virus.

Unang natukoy ang virus sa mga unggoy sa isang pananaliksik sa Denmark­ noon pang 1958, ngunit sa ngayon ay ma­tatagpuan na rin ito sa iba pang mga hayop, lalo na sa mga daga.

Maaari umanong mag­bigay ng suhestiyon ang sinuman sa maaaring ipa­lit na pangalan ng virus sa pamamagitan ng ‘dedicated website’ na: https://icd.who.int/dev11.

Ngunit may mga unang pagpupulong na umano ang mga eksperto para pangalanan ang virus. Nag­kakaisa sila na pangalanan ito gamit ang Roman numerals, tulad ng pagtawag dito bilang Clade I at Clade II, base sa variant nito.

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with