^

Police Metro

Mister todas sa saksak ng ka-live in

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 48-anyos na lalaki makaraang tarakan siya ng kutsilyo sa dibdib ng babaeng kinakasama sa gitna ng mainitang pagta­talo sa loob ng kanilang inu­upahang kuwarto sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Emilio Paras Jr., mangangalakal, at naka­tira sa No. 2525 Onyx St., Brgy. 775, San Andres Bukid. Habang agad na naaresto ang suspek na si Lilia Paberecio, alyas ‘Laling’, 37-anyos.

Sa ulat, bago naganap­ ang krimen, alas-7:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 775, ay nag­karoon ng mainitang pagtatalo ang magka-live in sa hindi pa malamang dahilan.

Sa salaysay ni Emily Hismana, kapatid ng biktima, narinig niyang nag-aaway ang dalawa kaya nag­pasya siyang pasukin ito sa kanilang kuwarto para umawat at dito niya nakita na duguan ang kapatid na si Paras dahil sa saksak sa dibdib.

Agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Hisman at dinala ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na naisalba ang kaniyang buhay.

Inaresto naman ng mga rumespondeng barangay tanod si Paberecio habang narekober rin ang kutsilyo na ginamit niya sa pana­naksak.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with