^

Police Metro

Mag-utol na paslit, nalunod sa hukay

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang magkapatid na paslit nang malunod sila sa hukay ng isang ginagawang warehouse sa Barangay Burgos, Ramon, Isabela, kamakalawa.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Marianne Contawe, 9; at Supremo Contawe, 5, kapwa residente sa nasabing lugar. Pinaniniwalaan ng pulisya na nalunod ang magkapatid sa halos dalawang metrong lalim ng hukay para sa pundasyon ng ipinapatayong warehouse matapos mapuno ng tubig dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Una umanong hinanap ang magkapatid matapos mabigo na makauwi ang mga ito sa kanilang bahay mula sa dinaluhan na isang pagtitipon. Unang nakita ang tsinelas ng magkapatid malapit sa hukay bago matagpuan ang kanilang bangkay.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with