^

Police Metro

5 drug pusher timbog sa P544 milyon shabu

Mer Layson - Pang-masa
5 drug pusher timbog sa P544 milyon shabu
Sa ulat, pasado alas-8:00 ng umaga kahapon nang maaresto sina Omega at Garcia sa ope­rasyong isinagawa sa Camella Homes, Dasmariñas City, Cavite at nakumpiska ang 60 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408 milyon.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang limang drug suspects matapos na makumpiskahan ng 80 kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P544-M sa sabayang drug operation sa Cavite, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Dominador Robasto Omega Jr.; Siegfred Omega Garcia; Elaine Calusin Maningas; Ricardo Santiago Santillan; at Laurel Salceda dela Rosa.

Sa ulat, pasado alas-8:00 ng umaga kahapon nang maaresto sina Omega at Garcia sa ope­rasyong isinagawa sa Dasmariñas City, Cavite at nakumpiska ang 60 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408 milyon.

Samantala, sina Ma­ningas, Santillan at Dela Rosa ay naaresto rin, alas-8:00 ng umaga sa isang buy-bust operation sa Buenavista Townhomes, General Trias City, Cavite at nasamsam sa kanila ang 20 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136 milyon.

Ang mga suspek ay nakakulong na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with