Pagbili ng non-common use supplies, equipment sinuspinde ng PS-DBM
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng bagong pamunuan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ang pagbili ng non-common use supplies and equipment (Non-CSE) para sa mga ahensiya ng gobyerno “until further notice.”
Ito ang sinabi ni PS-DBM Executive Director Dennis Santiago, kaya ibig sabihin nito ay hindi sila tatanggap ng anumang request para bumili ng supplies na hindi malimit gamitin sa mga opisina ng gobyerno at sa halip ay pawang mga common use supplies and equipment (CSE) ang mapoproseso.
Ang CSE ay mga gamit sa araw-araw na operasyon sa mga tanggapan ng gobyerno tulad ng ballpen, papel, paper clip, stapler folder at iba pang tulad nito.
Ang suspensyon sa procurement ng NCSE ay ginawa sa gitna ng panibagong kontrobersiya sa pagbili ng Department of Education (DepEd) ng mga laptop sa mga guro para makatulong sa pagpapatupad ng distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
- Latest