^

Police Metro

Marcos: Mag-aangkat pa rin ng asukal pero konti lang!

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos: Mag-aangkat pa rin ng asukal pero konti lang!
“Hindi kasing dami ng kanilang sinasabi dati na 300,000 metric tons. Siguro malaki na ‘yung 150,000 metric tons, para sa buong taon na ito, kaya sa aking palagay nabawasan natin nang mabuti ang importation ng sugar,” wika ni Marcos.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Maaaring kailanganin pa rin ang mag-angkat ng asukal sa Oktubre, ngunit hindi ito magiging kasing dami ng naunang naiulat na 300,000 metriko tonelada.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ring Kalihim ng Department of Agriculture sa isang vlog post sa Facebook page ng Office of the President nitong Linggo ng gabi.

“Hindi kasing dami ng kanilang sinasabi dati na 300,000 metric tons. Siguro malaki na ‘yung 150,000 metric tons, para sa buong taon na ito, kaya sa aking palagay nabawasan natin nang mabuti ang importation ng sugar,” wika ni Marcos.

Ipinaliwanag din ni Marcos noong Linggo na nauna niyang tinanggihan ang mga panukala para sa pag-aangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal dahil aniya ay mayroon pa ring sapat na suplay ang bansa upang matugunan ang pangangailangan.

Nauna nang inilabas ng Sugar Regulatory Admi­nistration (SRA) ang Sugar Order 4, na nagtatakda para sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sinabi ni Press Secretary Rose Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles, gayunpaman, na ang utos ay labag sa batas, dahil ang Sugar Regulatory Board ay nagpulong at naglabas ng resolusyon nang walang pag-apruba ni Marcos na nakaupo rin bilang chairman ng board.

Sa pinakahuling datos ng DA, nagpapakita ito na ang mga presyo ng refined sugar ay naitala sa P100.00 kada kilo, wash sugar sa P75.00 kada kilo, at brown sugar sa P70.00 kada kilo sa Metro Manila noong Agosto 12, 2022.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with