^

Police Metro

Isa pang pumirma sa ‘sugar import order’, nagbitiw

Angie dela Cruz - Pang-masa
Isa pang pumirma sa âsugar import orderâ, nagbitiw
Nagbitiw sa puwesto bilang Board member ng Sugar Regulatory Admi­nistration (SRA) si Atty. Roland Beltran sa gitna ng isyu sa umano’y iligal na paglalabas ng order para sa importasyon ng nasa 300,000 metric tons ng asukal at isa siya sa mga nakapirma sa binawing “sugar import order”.
Pixabay

MANILA, Philippines — Isa pa na pumirma sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal ang nagbitiw sa puwesto kasunod nang pagbibitiw ka­makailan sa puwesto ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.

Si Sebastian ang nagsisilbing chief of staff ng Pangulo na siya ring na­ngangasiwa sa Department of Agriculture.

Nagbitiw sa puwesto bilang Board member ng Sugar Regulatory Admi­nistration (SRA) si Atty. Roland Beltran sa gitna ng isyu sa umano’y iligal na paglalabas ng order para sa importasyon ng nasa 300,000 metric tons ng asukal at isa siya sa mga nakapirma sa binawing “sugar import order”.

Sa kopya ng resignation letter na isinumite kay Executive Secretary Vic Rodriguez ay sinabi ni Roland na magbibitiw siya sa puwesto dahil sa “health reasons.”

Pero paglilinaw nito, walang kinalaman ang kanyang resignation sa imbes­tigasyon sa SRA Board.

Noong nakaraang linggo, naglabas ang SRA ng Sugar Order 4 na nag-aapruba sa pag-aangkat ng nasa 300,000 metric tons ng asukal sa gitna ng mahal na presyo ng asukal sa merkado. Pero sinabi ng Mala­kanyang na iligal ang nasabing kautusan dahil hindi ito aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos­ Jr.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with