^

Police Metro

1 todas sa sunog; 4 sugatan sa tumagilid na firetruck

Danilo Garcia - Pang-masa
1 todas sa sunog; 4 sugatan sa tumagilid na firetruck
Apat na bumbero ang nasugatan nang bumaliktad ang kanilang firetruck sa kahabaan ng Pedro Gil St., na reresponde sana sa nagaganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Paco, Maynila.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi sa sunog  habang apat na bumbero ang nasugatan nang tumagilid ang kanilang fire­truck na reresponde sana sa nagaganap na sunog, kahapon ng madaling araw sa Paco, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila Fire Department, ala-1:17 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa resi­dential area sa may Fabie Street sa Brgy. 815 Paco, Maynila na umabot ng ikalawang alarma bago tuluyang na­apula ang pagkalat ng apoy, alas-2:04 ng mada­ling araw.

Sa mopping operation ay nadiskubre ang bangkay ng isang residente na hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Nasa walong firetrucks ang rumesponde sa insidente at may isa pa sanang parating ngunit ito ay tumagilid sa may bahagi ng Pedro Gil Street, Brgy. 866 na kung saan ay apat na sakay nito ang nasugatan na agad isinugod sa pagamutan.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with