^

Police Metro

19.99 milyon Pinoy nagsabing mahirap sila — PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa
19.99 milyon Pinoy nagsabing mahirap sila â PSA
“This translates to around 19.99 million Filipinos who lived below the poverty threshold of about P12,030 per month for a family of five,” ayon kay Mapa. Sinabi ni Mapa na ang National Capital­ Region (NCR) ang naka­­pag­­­tala ng may pinakamababang poverty incidence sa bansa o may 3.5% habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pinakama­taas na poverty incidence na 37.2%.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 19.99 milyong Pinoy ang nagsabing sila ay mahirap noong 2021.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief Undersecretary Dennis S. Mapa na ang nasabing bilang ay may pagtaas ng 18.1% kumpara sa 16.7% o may 17.67 milyong Pinoy na nagsabing sila ay ma­hirap noong 2018.

“This translates to around 19.99 million Filipinos who lived below the poverty threshold of about P12,030 per month for a family of five,” ayon kay Mapa. Sinabi ni Mapa na ang National Capital­ Region (NCR) ang naka­­pag­­­tala ng may pinakamababang poverty incidence sa bansa o may 3.5% habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pinakama­taas na poverty incidence na 37.2%.

Sa kabuuan, 10 rehiyon ang may mataas na poverty incidence noong 2021 kumpara sa naitalang record noong 2018. Ang poverty incidence sa mga pamilya ay tumaas ng 13.2% noong 2021 mula sa 12.1% noong  2018.

Mataas din anya ang bilang ng mga pamil­yang kulang sa pagkain sa bansa na pumalo sa 1.04 milyon noong 2021, mas mataas ito sa 840,000 na naitala noong 2018.

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with