^

Police Metro

Dengue cases sa Pinas patuloy ang pagtaas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa na umabot na sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30.

Ayon kay Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito anya ay mas mataas ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 na nasa 44,361 lamang­.

Pinakamaraming naiulat na kaso ng dengue sa Region III na may 18,664 kaso o 18%, kasunod ang Region VII na may 10,034 kaso o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 8,870 o 9%.

Mula nitong Hulyo 3 hanggang Hulyo 30, na­dagdag ang nasa 23,414 kaso ng dengue kung saan pinakamataas sa Region 3 na may 5,838, kasunod ang NCR na may 2,689 at Ca­labarzon na may 2,369 kaso.

Nabatid din na siyam sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo. Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMA­ROPA, VI, VII, IX, CAR, at NCR.

Ang MIMAROPA at Region VI na lamang ang nagpapakita ng tuluy-tuloy na pagtaas ng mga kaso mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.

Nakapagtala na ng 368 nasawi sa sakit na may 0.4% case fatality rate sa buong bansa. - Gemma Garcia

vuukle comment

DENGUE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with