^

Police Metro

Nawawalang dalagitang biker natagpuang patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matag­puan ang isang 15-anyos na dalagita na ilang araw nang nawawala matapos na ito ay magbisikleta sa lalawigan ng Bulacan.

Positibong kinilala ni Rolando Dumantay, 62, residente ng Graceville ng San Jose del Monte City ang bangkay ng kaniyang anak na si Princess Marie Conde Dumantay, isang estudyante.

Ang dalagita ay napa­ulat na nawawala simula pa noong Agosto 9 matapos itong umalis sa kanilang tahanan na nakasuot ng kulay puting tshirt na may letra ng Chinese, kulay itim na short.

Natagpuan ito, kama­kalawa sa isang madamong bahagi sa kahabaan ng bypass road sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan na nakasubsob ang mukha sa damuhan at may mga paso ng sigarilyo sa katawan.

Sa teorya ng mga otoridad, posible umanong pinahirapan muna ang bik­tima ng mga salarin bago pinaslang.

Pumayag naman ang ama ng biktima na isa­ilalim sa otopsiya ang bangkay ng anak upang mabatid kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng dalagita.

Inaalam din kung may nangyaring insidente ng foul play sa kasong ito kasunod naman ng ilang insidente ng pagkawala ng mga dalagita sa Bulacan.- Omar Padilla

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with