^

Police Metro

COVID-19 weekly positivity rate sa NCR, bumaba

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research Group ang pagbaba ng weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nitong ikalawang linggo ng Agosto.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Linggo, nabatid na ang weekly positivity rate ng National Capital Region (NCR) ay bumaba na sa 16.4% hanggang noong Agosto 12.

Ayon kay David, ito ay pagbaba mula sa dating 17.5% weekly positivity rate na naitala noong Agosto 6 lamang.

Sinabi ni David na ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba ang lingguhang positi-vity rate ng COVID-19 sa kasalukuyang wave nito.

Aniya, ito ay nagbibi-gay sa kanila ng optimis-  mo na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay umabot na sa peak o rurok nito.

Ipinakita pa ni David sa naturang datos na mula noong Mayo 15-22, 2022 hanggang unang linggo ng Agosto ay unti-unting tumataas ang weekly COVID-19 positivity rate, nakitaan lamang ito ng pagbaba sa ikalawang linggo ng Agosto o mula Agosto 7-12, 2022.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with