^

Police Metro

Zubiri sa SRA officials: Magbitiw na kayo!

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa illegal importation order para sa 300,000 metrikong tolenada ng asukal na magbitiw na sa pwesto.

“Ako ay nananawagan na sa SRA na kung puwede, mag-resign na kayo. Laman ng lahat ng balita yung illegal Sugar Order No. 4. Dapat po kung may delicadeza po kayo mag-resign na po kayo. Nananawagan na po ako, mag-resign na po sila,” anang senador.

Inilabas ni Zubiri ang panawagan matapos sabihin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw si Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang puwesto bilang undersecretary for operations at chief of staff ng Secretary of Agriculture, isang pwesto na hawak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Cruz-Angeles na humingi ng paumanhin si Sebastian sa Punong Ehekutibo sa paglagda sa Sugar Order No. 4 nang walang ipinahayag na pag-apruba ni Marcos na bilang kalihim ng DA ay chairman din ng Sugar Regulatory Board.

Bukod umano sa pagbibitiw, dapat pa rin sampahan sila ng kaso dahil ipinahamak ng mga opisyal ng SRA si pangulong Marcos, kaya dapat silang turuan ng leksyon .

Nauna nang sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na kailangan ng Pilipinas na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal upang patatagin ang presyo ng mga bilihin sa merkado.

Gayunpaman, tinanggihan ni Marcos ang panukala, sinabi ni Cruz-Angeles noong Miyerkules.

JUAN MIGUEL ZUBIRI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with