^

Police Metro

COVID-19 nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pinas - PSA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy sa unang apat na buwan ng taon.

Ang mga rehistradong pagkamatay dahil sa COVID-19 ay umabot sa kabuuang 10,226 o 6.5 porsiyento ng total registered deaths mula Enero hanggang Abril 2022.

Batay sa klasipikasyon, ang COVID-19 virus identified at  virus identified ay parehong kasama sa 15 pangunahing sanhi ng kamatayan.

Nasa ika-6 na nangu-ngunang sanhi ng pagkamatay sa bansa na may 7,692 kaso o 4.9 porsyento ng kabuuang pagkamatay ang COVID-19 virus identified  habang sa virus not identified ay umabot sa 2,534 o 1.6 porsyento na ika-14 na nangungunang sanhi ng kamatayan.

Nasa 3 rehiyon ang nag-uulat ng mahigit isang libong pagkamatay sa COVID-19 na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR) na may rehistradong 2,440 deaths or 23.9 porsyento ng total COVID-19 deaths mula Ene­ro hanggang Abril 2022; ikalawa ang Region IV-A (CALABARZON) na may 1,521 deaths (14.9%), habang ang Central Luzonay 1,355 deaths (13.3%).

Ang BARMM ang nag-ulat ng pinakamababa o 20 lamang na regis­tered COVID-19 deaths habang ang Quezon City naman ang may pinakamataas na nairehistrong COVID-19 deaths sa NCR na 526 sa nasabing mga buwan, sinundan ng Manila na may 396 habang ang Caloocan ay may 242 deaths.

Ang tatlong nangu-ngunang sanhi ng pagkamatay sa bansa mula Enero hanggang Abril ng 2022 ay ischemic heart disease, cerebrovascular disease, at neoplasms.

COVID-19

PSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with