^

Police Metro

Renegosasyon sa Tsina sa pagpondo ng transpo infra projects, kasado na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkasundo sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Chinese Ambassador Huang Xi-lian na simulang muli ang negosasyon para sa major transport projects ng Pilipinas.

Sa isang pahayag ng DOTr nitong Linggo sa kanilang Facebook account, nabatid na ang kasunduan ay nabuo sa unang opisyal na pagpupulong ng dalawa sa Chinese Embassy sa Makati City noong Agosto 11, 2022.

Sa naturang pulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapatuloy ng pag-uusap para sa major China-funded railway projects gaya ng Philippine National Railways (PNR) South Long Haul Project (North-South Commuter Railway), Subic-Clark Railway at Mindanao Railway (Tagum-Davao-Digos).

Napag-usapan din nila ang ilang China-Philippines Maritime Cooperation Projects, partikular na ang hotline communication at legal affairs cooperation arrangements sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) at China Coast Guard;posibleng kolaborasyon sa Maritime Traffic Safety, Ferry Safety;  Memorandum of Understanding (MOU) sa Maritime Search and Rescue; gayundin ang capacity building para sa maritime governance, safety supervision, at vessels safety inspection.

Anang DOTr, ang funding support ng Chinese government para sa mga naturang proyekto ay magpapalakas sa bilateral relations at magpapahusay sa partnership ng Pilipinas at China.

Una nang sinabi ni Transportation Under-secretary for Railways Cesar Chavez na hindi inaksiyunan ng Chinese government ang kahili-ngan ng administrasyong Duterte para sa loan finan-cing ng naturang tatlong major railway projects na ikinukonsidera na ani­ya itong ‘withdrawn’ at kailangang muling i-negotiate ng mga kasalukuyang pamahalaan.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with