^

Police Metro

Higit 2.5 milyon residente ng Quezon City, fully vaccinated na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 2,557,497 residente ng Quezon City ang fully vaccinated hanggang noong Agosto 13, 2022.

Nabatid na ikinukonsiderang fully vaccinated ng Quezon City government ang isang indibidwal kung sila ay nakatanggap na ng kanilang primary series o yaong first at second dose ng COVID-19 vaccine o di kaya ay nakatanggap ng single-dose ng Janssen vaccine.

Samantala, mayroon na ring kabuuang 1,233,770 residente ang nakatanggap na ng kanilang COVID-19 booster shots.

Sa kabuuan, 6,361,687 vaccine doses na ang nai-administer ng lokal na pamahalaan mula nang simulan ang kanilang “QCProtekTODO” Vaccination Program.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with