^

Police Metro

50 milyong national id tatapusin ngayong 2022 – PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 50 milyong national identification cards (ID) ang taget ng ­Philippine Statistics ­Authority (PSA) na maipalabas ngayong taong 2022.    

Sinabi kahapon ni PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta na ­simula sa buwan ng Oktubre ay pabibilisin na ng ahensiya ang card production katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). 

Nabatid na mula sa 80,000 IDs kada araw ay target nilang mula sa Oktubre ay aabot na sa  133,000 ID kada araw ang kanilang maipalalabas at maibibigay sa mamamayan.

Sinabi ni Sollesta na magro-roll out sila ng printable at digital versions ng National IDs upang maabot ang target na naipalabas na 50 milyong IDs sa pagtatapos ng 2022.   

Dinagdag  ni Sollesta na ang printable at digital versions ng National ID ay magkakaroon ng katulad na features ng physical cards, kagaya ng unique QR code na mai-scan para sa authentication.

Aniya, ipalalabas ang printable at digital versions sa mga hindi pa nakatatanggap ng physical cards at valid pa bilang patunay ng pagkaka­kilanlan.

Inanunsyo rin nito na sa unang semester ng 2023, may 92 milyong combinations ng physical, printable, at mobile IDs ang maipalalabas ng PSA.

 

 

NATIONAL ID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with