^

Police Metro

Nagpopositibo sa COVID-19 sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng OCTA Research Group na tumaas nang bahagya ang daily positivity rate ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa nakalipas na tatlong araw.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang NCR ay nakapagtala ng daily positivity rate na  17.9 percent noong Huwebes, August 11.

Gayunman, nilinaw na hindi naman tiyak kung ang positivity rate na ito ay umabot na sa peaked sa NCR.

Sa ulat ng OCTA, ang isang linggong positivity rate ng COVID sa Metro Manila ay pumalo sa 17.4 porsyento noong Agosto 6 ay naging 15.9 porsyento ng Agosto 9.

Sinabi ni David  na ang COVID-19 wave sa bansa ay maaaring mas mahaba at matagal na maaaring magpatuloy hanggang  “ber” months.

Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 4,661 na bagong kaso ng COVID-19, ngayong linggo na mas mataas sa dating 3,823,084.

 

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with