^

Police Metro

PWD ID isinusulong na maging ‘lifetime’

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa dinaranas na hamon sa pagre-renew ng mga identification cards (ID), isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na ga­wing “lifetime” na ang validity ng ID ng mga piling persons with disabilities (PWDs).

Nais ni Angara na ga­wing lifetime ang ID ng mga PWDs na may permanente na ang kapansanan.

Sinabi ni Angara na dapat pairalin ang “common sense” at hindi na kailangang i-renew ang PWD ID ng mga taong hindi na gagaling sa kanilang kapansanan.

Kabilang aniya dito ang mga may kapansanan na makikita naman agad sa kanilang pisikal na paggalaw o hitsura.

Sa kasalukuyan, ang mga PWD ay kinakailangang mag-renew ng kanilang mga PWD ID kada tatlong taon batay sa ilalim ng National Council on Disability Affairs Administrative Order No. 001 series of 2021.

Sinabi ni Angara na ang pagre-renew ay nagdudulot ng malaking hamon sa karamihan ng mga PWD na may mga isyu sa mobi­lity dahil kailangan nilang personal na humarap upang masuri.

 

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with