^

Police Metro

COVID-19 admission sa ICU, tumataas

Danilo Garcia - Pang-masa

Pinas nasa low risk pa rin

MANILA, Philippines — Kahit na patuloy ang pagtaas ng mga dinadala sa intensive care units (ICU) ay nananatiling low risk pa rin ang Pilipinas sa COVID-19 transmission.

Ayon sa Department of Health (DOH) na tumaas ang ICU utilization rate ng bansa sa 28% mula sa dating 26%.

“Nationally, nanatili po tayong nasa low risk case classification kahit na meron na tayong bahagyang pagtaas sa ating ICU admissions at sa mga severe at critical cases,” saad ni DOH officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ipinaliwanag niya na nag-umpisa ang tuluy-tuloy na pagtaas sa ‘ICU admissions’ sa pag-uumpisa ng Hulyo. 

Ang ICU admission at antas ng ‘severe at critical cases’ ngayon ay kapareho na umano ng lebel noong nakaraang Marso.

Nitong Agosto 10, nasa kabuuang 871 severe at critical na kaso na ng COVID-19 ang naitala, na katumbas na 9.27% ng hospital admissions sa bansa.

Ang karamihan naman ng ‘hospital admissions’ ay mga ‘asymptomatic’ na nasa 40.98% at mild cases na nasa 40.77%.

Nananatili sa ‘low risk classification’ ang bansa na may ‘average daily attack rate (ADAR)’ na 3.51 kada 100,000 populasyon.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with