^

Police Metro

225 dagdag Omicron subvariants cases, naitala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng dagdag na 225 kaso ng highly transmissible Omicron subvariants na BA.5, BA.4, at BA.2.12.1.

Ayon kay DOH officer-in-charge Usec Maria Rosario Vergeire na may natukoy na 190 karagdagang kaso ng Omicron BA.5, 34 pang kaso ng BA.4, at 1 bagong kaso ng BA2.12.1.

Sa 190 bagong kaso ng BA.5, kabuuang 175 ang naka-recover, habang 7 ang sumasailalim sa isolation, at ang status ng natitirang 8 pasyente ay bineberipika.

May naiulat ding 34 pasyente ng BA.4 kung saan 33 ang nakarekober habang inaalam pa ang resulta ng natitirang kaso.

Idinagdag pa ni Vergeire, isang pasyente mula sa Davao Region ang nagpositibo sa BA.2.12.1 variant, ngunit nakarekober na rin.

Naniniwala naman si OCTA fellow Dr. Guido David na posibleng nag-peak na ang Omicron wave sa National Capital Region (NCR) makaraang bumaba na ang natutukoy na mga bagong kaso.

Unang sinabi ng OCTA na posibleng nag-peak na ito nong Hulyo 16-23 nang makapagtala ng mas mababang mga kaso ngunit muling tumaas ng sinundan na linggo.

OMICRON SUBVARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with