^

Police Metro

Bus fare hike dedesisyunan na ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng sa susunod na linggo ay magpapalabas na ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa petisyon ng mga bus operators na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong bus.

Ayon kay LTFRB chairperson Cheloy Garafil, hinihintay na lamang ng ahensiya ang position paper na ilalabas ng National Economic and Development Autho-rity (NEDA) sa Agosto 17 hinggil sa bus fare hike para mailabas na nila ang desisyon para dito. Sinabi ni Garafil na submitted for resolution na ang fare hike petition ng mga bus operators sa pagtataas sa singil sa pasahe sa bus kaya’t wala ng pagdinig na gagawin para dito.

Hirit ng mga bus operators na maitaas ng mula P4 hanggang P7 ang pamasahe upang mabawasan ang epekto sa kanilang hanapbuhay ng matinding taas sa presyo ng petroleum products.

Taong 2018 pa huling nagtaas ng pasahe sa mga pampasaherong bus.

 

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with