^

Police Metro

 Bigtime tulak tiklo sa P10 milyong droga

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bigtime drug pusher ang nasakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa lungsod.

Kinilala ang nadakip na  suspek na si Jayson Espinar, 38, at residente ng Brgy. San Bartolome ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, pa-sado alas-2:00 ng madaling araw kahapon nang isa­gawa ang drug operation sa Carlos St., Montville Place Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Q.C. nang magkun-waring buyer ng shabu ang isang pulis na nakipagtran-saksyon sa suspek.

Nang iaabot na ni Espinar sa poseur buyer na pulis ang droga ay agad na dinakip ito.

Nakumpiska sa suspek ang 1.5 kilogram na shabu na nagkakahalaga ng P10,200,000, digital weighing scale, cellphone na gamit sa pakikipag-transaksyon sa mga parukyano nito gayundin ang buy-bust money.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang suspek kaya nang magbigay ng tip ang isang impormante ay isinagawa ang drug operation.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with