^

Police Metro

55K unit ng jeepney, balik-pasada na

Mer Layson - Pang-masa
55K unit ng jeepney, balik-pasada na
Motorists drive through a flooded portion of Taft Avenue in Manila following a heavy downpour on Aug. 9. 2022.
The STAR/ Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Magbabalik pasada na ang libu-libong jeepney drivers na unang tumigil sa pagbiyahe bunsod ng pandemya ng COVID-19 at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ito ang kinumpirma ni Ka Mody Floranda, pangulo ng Pinagka-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), kung saan ay nasa mahigit 55,000 na ng unit ng mga jeep ang balik kalsada sa ngayon.

Bunsod na rin aniya ito nang muling pagbubukas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga da-ting ruta na ipinasara, bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Sinabi ni Floranda na malaking bagay din ang pagbaba na sa presyo ng krudo kaya’t pinayagan na rin ng ilang operators na mamasadang muli ang kanilang mga jeepney drivers.

Samantala, may ilang mga operators na hirap pa ring makabalik sa pamamasada ang mga jeep dahil kailangan pa itong ayusin matapos matengga ng halos dalawang taon.

Nabatid na kailangan ng mga ito ng nasa P40,000-P50,000 na budget para sa pagpapaayos ng mga jeep.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang PISTON dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis. — Angie dela Cruz

JEEPNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with