^

Police Metro

Resolusyon sa pag-angkat ng 300K MT asukal, ilegal -- Malacañang

Malou Escudero - Pang-masa
Resolusyon sa pag-angkat ng 300K MT asukal, ilegal -- Malacañang
Binabalot ng tinderong ito ang asukal sa isang tindahan sa Quezon City.Magugunita na ibinasura ni Pangulong Marcos ang pag-angkat ng 300K MT asukal na may ulat na magkakaroon ng sup­ply shortage.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag ng Malaca­ñang na ilegal ang resolusyon na naglalayong mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal na nilagdaan sa ngalan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil hindi nagpatawag ng anumang pagpupulong ang pinuno sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon sa ngalan ng Pangulo, na nakaupo rin bilang kalihim ng agrikultura, ngunit hindi pinahintulutan na gawin ito.

Nilinaw ni Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.

“Yesterday a resolution was uploaded on the website of the SRA purportedly coming from the Sugar Regulatory Board Resolution No. 4 autho-rized the importation of 300,000 MT of sugar on top of what had already been imported in May of this year. This resolution is illegal,” ani Cruz-Angeles.

Sinabi pa ni Cruz Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin.

Nilinaw naman ni Cruz-Angeles na ang resolusyon ay plano pa lamang para sa pagsasagawa ng importasyon.

Nagpapatuloy ani­ya ang imbestigasyon para matukoy kung may makikitang anumang aksyon na magiging sanhi ng pagkawala ng tiwala ng Pangu­lo sa kanyang mga opisyal, o kung may nangyaring “malice or negligence.”

SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with