^

Police Metro

Number coding scheme ibabalik ng MMDA sa Agosto 15

Ludy Bermudo - Pang-masa
Number coding scheme ibabalik ng MMDA sa Agosto 15
Vehicles crawl through traffic along EDSA in Makati on July 14, 2021.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ang Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA) sa National Capital Region (NCR) sa darating na Agosto 15.

Ayon sa MMDA, ang number coding scheme na magsisimula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi kapag weekdays maliban sa holidays matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC) sa gitna ng inaasahang pagtaas ng bulto ng mga sasakyan   sa NCR sa pagpapatuloy ng face-to-face na mga klase sa Agosto 22.

Sa ilalim ng scheme, ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 ay ipinagbabawal sa Lunes, 3 at 4 sa Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes, 9 at 0 sa Biyernes sa nasabing coding hours.

Ang muling pagpapatupad ng number coding scheme sa NCR ay magpapababa ng traffic volume ng dalawampung porsyento (20%) sa umaga at hapon/gabi na peak hours.

Bago ang pandemya ng COVID-19, ang ave­rage na bilang ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA araw-araw ay nasa 405,000.

Batay sa pinakahuling bilang ng dami ng sasakyan na isinagawa ng MMDA Traffic Engineering Center noong Agosto 4, tinata-yang 387,000 sasakyan ang dumaan sa EDSA.

Ang volume ay inaasahang tataas sa 436,000 o mas mataas kaysa sa pre-pandemic level.

Samantala, iiral ang mga number coding ordinance ng kani-kanilang local government units sa mga sekondaryang kalsada.

Tiniyak din ng MMDA na hindi muna manghuhuli o mag-iisyu ng traffic violation tickets sa unang tatlong araw.

Samantala, ilang mga sasakyan ang exempted sa number coding scheme tulad ng  tricycle, transport network vehicle services, motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, marked government vehicles, fire trucks, ambulances, marked media vehicles, at motor vehicles na may dalang essential o perishable goods.

 

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with