^

Police Metro

COVID-19 vaccines ‘di mandatory sa students

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit nakatakda na magbalik sa face-to-face classes sa Nobyembre 2 ay hindi pa rin mandatory para sa mga mag-aaral na magpaturok ng COVID-19 primary vaccine series at booster doses.

Ang pahayag ay ginawa ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa sa isang pulong balitaan kahapon matapos na matanong hinggil sa vaccination policies na ipatutupad ng kagawaran kasunod ng panawagan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na magpabakuna na upang magkaroon sila ng proteksiyon laban sa virus.

Ayon kay Poa, kaisa sila ng pangulo sa panawagan na magpabakuna na ang lahat laban sa COVID-19, ngunit ang kagawaran aniya ay tumatalima sa national policy na ang pagpapabakuna ay hindi mandatory.

Tiniyak din ni Poa na hindi idi-discriminate ng DepEd ang mga estud-yante at mga gurong hindi bakunado.

Sinabi rin naman ni Poa na nakikipag-ugnayan na rin naman ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa pagro-rollout ng mobile COVID-19 vaccination sa mga paaralan, sakaling may mga estudyante na nais nang magpabakuna laban sa COVID-19, gayundin ng pag-organisa ng counseling sessions sa mga unvaccinated lear-ners.

Binigyang-diin din ni Poa ang kahalagahan nang pagtalima sa minimum public health standards, bilang tugon sa pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na “very possible” ang pagtaas ng COVID-19 cases sa sandaling mag-face-to-face classes na.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with