^

Police Metro

Expiring COVID-19 vaccines, papalitan ng COVAX Facility

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ni Heath officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ipinangako ng COVAX facility na papalitan nila ang lahat ng expired at mae-expired na COVID-19 vaccine doses sa bansa, kabilang na rito ang mga binili ng pribadong sektor at mga local government units (LGUs).

Nabatid na aabot sa P5.1 bilyon ang halaga ng bakuna na binili ng mga pribadong sektor ang nasayang umano nang ma-expired.

Anya, ang pagpapalit sa mga expired na bakuna ay iiskedyul at isasagawa sa sandaling ang kasalukuyang suplay ng bakuna sa bansa ay magsimula nang maubos.
Tiniyak naman ni Vergeire na ang Pilipinas ay may sapat pang suplay ng bakuna sa ngayon.

Base sa pinakahu-ling datos ng DOH, umaabot na sa 71.9 mil­yong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang 16.6 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with