Monkeypox vaccine sa 2023 pa darating
MANILA, Philippines — Sa taong 2023 pa makakatanggap ang Pilipinas ng suplay ng bakuna kontra sa monkeypox virus.
Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, dahil sa ngayon ay nakiki-pagkoordinasyon na sila sa pribadong sektor na nagpahayag ng intensiyon na tulungan ang DOH sa pagbili ng mga bakuna para sa nasabing hindi pangkaraniwang sakit.
Sakaling makabili ng gamot ay maaaring sa taong 2023 pa ito maideliber sa Pilipinas.
Ayon pa kay Vergeire, nakikipagkomunikasyon na rin sila sa iba pang miyembro ng bansa ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) para sa pagbili ng bakuna.
Matatandaang noong Hulyo 29 ay kinumpirma ng DOH na naitala na nila sa bansa ang kauna-unahang kaso ng monkeypox. Ang naturang pasyente ay nakarekober naman na at nakatapos na ng kanyang isolation period.
- Latest