^

Police Metro

Mag-live in tiklo sa P43.5 milyon droga

Mer Layson - Pang-masa
Mag-live in tiklo sa P43.5 milyon droga
Ang mag-live in partner na sina Alvin Rapinian at Riza Bilbao na naaresto sa isang buy-bust operation sa kanilang apartment sa Quezon City at nasamsam sa kanila ang nasa P43,509,800 halaga ng mga illegal drug, kahapon ng madaling araw.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang `mag-live in sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Que-zon City Police District (QCPD) Director PBGen. Remus Medina ang mga suspek na sina Riza Bilbao, 25, jobless, tubong Sultan Kudarat, Mindanao; at Alvin Rapinian, 26, tubong Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya, kapwa residente ng 46C 16th Ave., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Sa ulat ng QCPD, alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cubao Police Stations 7 (PS-7) ang buy-bust operation sa No. 46 C, 16th Avenue, Brgy. San Roque, Cubao, Que­zon City, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-RO-National Capital Region (NCR).

Bago ito ay nakatang­gap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mag-live in kaya’t ikinasa ang buy-bust na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at nakumpiska ang 1.5 kilo ng shabu na nagkakaha-laga ng P10.2 milyon; 85 kilo ng dried marijuana na nagkakahalaga ng P10.2 milyon, 35 kilo ng kush na nagkakahalaga ng P4.9 milyon, 1 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 milyon at 7,594 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P12.9 milyon, dalawang timbangan, isang cellphone at buy-bust money.

Nabatid na ang mga suspek ay gumagamit ng online transactions sa kanilang illegal drug activities.

Nakapiit na ang da-lawa at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002. 

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with