^

Police Metro

Enrile kinuwestiyon si Defensor sa pagdalo sa MMDA function

Ludy Bermudo - Pang-masa
Enrile kinuwestiyon si Defensor sa pagdalo sa MMDA function
Sa kanyang official page, kinuwestiyon ni Enrile si Defensor kung bakit ito dumadalo sa mga event ng MMDA sa kabila ng hindi naman ito konektado sa nabanggit na tanggapan.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Kinastigo ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang natalong mayoralty candidate na si Mike Defensor sa ginagawa nitong pagdalo sa mga official function ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sa kanyang official page, kinuwestiyon ni Enrile si Defensor kung bakit ito dumadalo sa mga event ng MMDA sa kabila ng hindi naman ito konektado sa nabanggit na tanggapan.

Nais ding malaman ni Enrile kung na-hire ba itong consultant o adviser sa MMDA na hindi dapat mangyari dahil sa panuntunan ng one-year ban sa mga tumakbo sa nakalipas na halalan bago sila pumasok sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Itinatanong din si Enrile kung si Defensor ba  ay isang ‘factotum’ o ‘utusan’ ng MMDA.

“Bakit siya nasa picture? Boss ng MMDA?  Ito ba ang proper  decorum sa kasalukuyang mundo ng politika,” pahayag pa ni Enrile.

Pinayo pa ni Enrile na kailangan umano na maging maingat at hindi dapat magpakita ng pagka-arogante sa kapangyarihan sa pag-uugali bilang public person lalo pa nga at naa-identified ito sa kasaluku-yang administrasyon.

Bilang Legal Counsel, naniniwala umano si Enrile  na may legal at moral duty siya para protektahan ang Pangulo na mapagsamantalahan ang kabaitan nito.

“Huwag naman. If you continue with that practice, ang tanggapan ko ang makakabangga mo. Stop it,” pahayag pa ni Enrile.

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with