^

Police Metro

DOH nakapagtala ng higit 1K kaso ng leptospirosis

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH nakapagtala ng higit 1K kaso ng leptospirosis
Individuals endure the rain and flood outside the San Andres gymnasium in Manila to get their COVID-19 vaccine. Monsoon rains caused flooding in Metro Manila.
News5 / Romel Lopez

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 1,078 leptospirosis cases ang naitala sa bansa ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito dahil sa pagdating ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ang 165 sa naturang bilang ay naitala mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23 lamang na ang pinakamaraming naitalang kaso sa panahong ito ay sa National Capital Region (NCR), Cagayan Valley at Central Luzon.

Umabot naman na sa 156 ang nasawi dahil sa leptospirosis mula noong Enero hanggang Hulyo.

Muling nagpaalala si Vergeire sa publiko na umiwas sa paglusong sa baha upang hindi dapuan ng leptospirosis. Pero kung talagang hindi maiwasan, maaaring gumamit ng mga protective gears, gaya ng bota.

Kung lumusong naman sa baha at may sugat sa paa, agad magpakonsulta sa barangay health center para makakuha ng prophylaxis. 

Kabilang sa sintomas ng leptospirosis ay lagnat, masakit na kasu-kasuan at pananakit ng tiyan.

FLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with