^

Police Metro

Kaso ng COVID-19 posibleng tumaas sa F2F classes

Danilo Garcia - Pang-masa
Kaso ng COVID-19 posibleng tumaas sa F2F classes
Ito ang paniniwala ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, pero nilinaw na hindi niya ipinapanukala na pagbawalan ang mga bata na bumalik sa mga paaralan dahil sa higit dalawang taon na silang nagtitiyaga sa “blended learning” dulot ng pandemya.
Philstar.com / Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Posibleng lalo pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa pagbubukas ng “face-to-face classes” sa bansa.

Ito ang paniniwala ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, pero nilinaw na hindi niya ipinapanukala na pagbawalan ang mga bata na bumalik sa mga paaralan dahil sa higit dalawang taon na silang nagtitiyaga sa “blended learning” dulot ng pandemya.

“We have to set expectations talaga na it’s very possible na magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso kapag nagbalik sa eskwelahan ang mga bata,” saan ni David.

Ang mga batang dinadapuan naman umano ng COVID-19 ay karaniwang asymptomatic o may mild na mga sintomas lamang.

Nakatakdang magbukas ang mga pampublikong paaralan sa darating na Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7 sa 2023, habang ang ibang mga pribadong paaralan ay nagbukas na ngunit nasa “online” lamang muna.

Nanawagan si David ng paglalagay ng mahigpit na protocols sa mga paaralan tulad ng “air ventilation” sa mga silid-aralan at pagsasagawa ng “physical distancing” at dapat din na bakunado na ang mga guro at iba pang empleyado ng mga paaralan. - Angie dela Cruz

FACE TO FACE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with