^

Police Metro

Road mishap sa Antipolo: 3 dedo, 3 sugatan

Mer Layson - Pang-masa
Road mishap sa Antipolo: 3 dedo, 3 sugatan
Nakilala ang mga nasawi na sina Nico Jesuitas; Maria Dimaligalig; at Renal Mosende Jr., na pawang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang na­sawi at pagkasugat ng tatlong iba pa sa naganap na dalawang aksidente sa Antipolo City, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawi na sina Nico Jesuitas; Maria Dimaligalig; at Renal Mosende Jr., na pawang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nasugatan naman ang kanilang mga kasamang sina Tommy Dimaligalig; Edmon Carvajal; at Christian Rongales na pawang nilalapatan na ng lunas sa magkakahiwalay na pagamutan.

Sa ulat ng Antipolo City Police, ang unang aksidente ay naganap, alas-4:40 ng madaling araw ng Agosto 8 sa Sumulong Highway malapit sa Green Land Subdivision, sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Minamaneho ni Mo­sende ang isang motorsiklo, angkas si Rongales at binabagtas ang Sumulong Highway at pagsapit  sa Dela Paz Village ay bigla na lang nadulas at sumemplang ang kanilang motorsiklo sanhi upang kapwa sila tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada.

Ang motorsiklo nila ay bumangga sa motorsiklong sinasakyan ng isang Kevin Guitoria.

Ang mga biktima ay kapwa isinugod sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay si Mosende.

Ang ikalawang aksidente ay naganap, alas-10:20 ng umaga sa Olalia Road, Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Minamaneho ng isang Henry Martin ang isang Isuzu 6-wheeler closed van (NBE 5794) nang mawalan ito ng preno habang tinatahak ang isang pababa at pakurbadang bahagi ng naturang kalsada patungo sa Marcos Highway.

Sinagasa nito ang mga nakasalansan na  hollow blocks at 10 pang ibang behikulo sa lugar, kabilang ang motorsiklong minamaneho ni Tommy Dimaligalig, na angkas si Maria, at motorsiklong minamaneho ni Jesuitas, na angkas naman si Carvajal.

Kaagad na binawian ng buhay si Jesuitas habang namatay rin si Maria nang isinusugod sa pagamutan.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with