FB page ni FL Liza, suportahan — Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga netizens na suportahan ang bagong lunsad na official Facebook page ng kanyang asawang si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos kung saan ipinapakita niya ang kanyang mga aktibidad.
Ginawa ni Marcos ang panawagan na suportahan ang FB page ng kanyang asawa sa pamamagitan ng kanyang post sa sariling FB page.
Inilagay din ang link kung saan makikita ang FB page ng Unang Ginang.
“Samahan niyo ka-ming salubungin sa social media ang aking maybahay na si First Lady Liza Marcos! I-follow ang kanyang opisyal na Facebook page,” post sa FB ng Pangulo.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Marcos sa suporta ng mga mamamayan.
Noong Agosto 1, 2022 nilikha ang FB page ng First Lady na mayroon kaagad na libu-libong followers.
- Latest