^

Police Metro

Tapyas-singil ikakasa ng Meralco ngayong Agosto

Mer Layson - Pang-masa
Tapyas-singil ikakasa ng Meralco ngayong Agosto
Kaya’t ang magiging overall rate ay P9.5458/kWh na lamang ngayong Agosto mula sa P9.7545/kWh noong nakaraang buwan.
KJ Rosales / File

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng tapyas-singil sa kuryente na halos 21 sentimo ngayong buwan ng Agosto.

Sa isang paabiso, nabatid na ang overall rate para sa typical household ay babawasan ng Meralco ng 20.87 sentimo kada kwh.

Kaya’t ang magiging overall rate ay P9.5458/kWh na lamang ngayong Agosto mula sa P9.7545/kWh noong nakaraang buwan.

Ang pagbaba ng singil­ ay sa gitna na rin ng ipi­naiiral na refund ng Me­ralco, batay sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Bukod dito, bumaba rin ang generation charge para sa buwan ng Agosto, na natapyasan ng 19.44 sentimo at naging P6.5812/kWh mula sa dating P6.7756/kWh noong nakalipas na linggo, kasunod na rin ng mas mababang charges mula sa power supply agreements (PSAs).

Nabatid na ang tapyas-singil ay katumbas ng P42 bawas-presyo sa mga kumokonsumo ng 200 kwh; P63 sa konsumong 300 kwh; P83 sa konsumong 400 kwh; at P104 sa konsumong 500 kwh.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with