^

Police Metro

Pulis-Batangas, todas sa ambush

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pulis-Batangas, todas sa ambush
Ayon sa ulat, alas-3:40 ng hapon ay minamaneho ni Panopio ang kanyang van at papasok sa kanyang trabaho at pagsapit sa Brgy. Calicanto ay sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad na siya ay pinagbabaril.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 52-anyos na police official matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang van ng riding-in-tandem suspects sa naganap na ambush, kamakalawa sa  San Juan, Batangas.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si  Police Exe­cutive Master Sergeant Romel Panopio, residente ng Barangay Tipaz, San Juan, Batangas at nakadestino sa Batangas Police Provincial Office (BPPO).

Ayon sa ulat, alas-3:40 ng hapon ay minamaneho ni Panopio ang kanyang van at papasok sa kanyang trabaho at pagsapit sa Brgy. Calicanto ay sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad na siya ay pinagbabaril.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at sumalpok sa poste ng isang gusali habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas.

Naisugod pa sa paga­mutan si Panopio, subalit idi­neklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan. - Ed Amoroso, Arnell Ozaeta

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with