^

Police Metro

Marcos sa mga mag-aaral: Magpa-booster bago mag-F2F classes

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa mga mag-aaral: Magpa-booster bago mag-F2F classes
A teenage boy receives a BioNtech-Pfizer Covid-19 coronavirus vaccine during the innoculation of the population aged 12-17 at a stadium in San Juan City, suburban Manila on November 3, 2021.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Bago magsimula ang face-to-face classes sa hu­ling linggo ng buwang ito ay hinihimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mag-aaral na magpaturok ng kanilang COVID-19 booster shot. “Una na riyan ‘yung panigurong nakapag-booster shot na ang lahat lalo na ang ating mga kabataan para siguradong handa ang pangangatawan nila sa pagbabalik eskuwela,” aniya sa kanyang weekly vlog.

Ibinahagi niya na nasa 15.9 milyong Pilipino ang nakatanggap na ng COVID-19 booster shot, habang 1.2 milyon pa ang naka-avail na ng pangalawang booster dose.

“Hindi pa ito magandang numero kumpara sa target natin na 100 percent kaya hindi tayo magsasawa na pakiusapan ang ating mga LGU na magiging mas agresibo dito sa kampaniyang ito,” wika nito.

Pinaalalahanan din ni Marcos Jr. ang mga public transportation sector na tiyaking masusunod ang pinakamababang protocol sa kalusugan at kaligtasan.

Ipinunto niya na kung matagumpay ang pagpapatupad ng mga in-person class, maaari rin itong magresulta sa isang mas matatag na ekonomiya.  

vuukle comment

COVID-19

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with