^

Police Metro

Malacañang ‘power broker’ nasa likod ng paninira kay ES Rodriguez

Gemma Garcia - Pang-masa
Malacañang �power broker� nasa likod ng paninira kay ES Rodriguez
President-elect Ferdinand Marcos Jr.'s chief-of-staff Vic Rodriguez holds a press conference on May 26, 2022.
Screenshot from Atty. Vic Rodriguez Facebook livestream

MANILA, Philippines — Nasa likod umano ng paninira kay Executive Secretary Vic Rodriguez ang isang tinaguriang Malacañang “power broker” na kinilalang si alyas Noelle matapos ang mga lumalabas na paninira sa una na nagbitiw ito sa pwesto na malinaw na isang fake news.

Si alyas Noelle umano ang naging tulay ng ilang negosyante kay Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang elek­syon na tinuturing ngayon na “power broker” kung saan ilan sa sinasabing juicy position na ni-lobby nito ay ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO).

Ayon sa source, tinuturing ngayon na power broker sa Malacañang si Noelle kung saan ilan sa sinasabing juicy position na ni-lobby nito ay ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO).

Ipinagmamalaki umano nito na naging masipag siya sa pagso-solicit noong nakaraang eleksyon sa mga negos­yanteng gustong tumulong sa UniTeam na ka­ramihan ay mga Chinese businessman sa Cavite.

Maraming negos­yante ang pinangakuan nito na mabibigyan ng mala­king projects kapalit ng hininging pera kaya naman para makontrol nito ang pagtatalaga ng mga opisyal sa gob­yerno ay tinatarget niyang siraan si Rodriguez na tinuturing na “little President” sa inilunsad niyang malawakang black propaganda.

Sinabi ng source na makasisira sa administrasyon ang patuloy na presensya ni Noelle sa Malacañang dahil kilala ito na malapit sa mga negosyante at opisyal ng gobyerno na nahaharap sa ilang kontrobersiya.

vuukle comment

VIC RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with