^

Police Metro

IT contractor dinepensahan ang puna ng LTO chief

Mer Layson - Pang-masa
IT contractor dinepensahan ang puna ng LTO chief
Ayon sa Dermalog, ang IT Company na bumuo ng LTMS system, ang online portal ng LTO, ay nabigla sila sa negatibong pahayag ni Guadiz dahil kung titig­nan ang mga transaksyon sa LTO ay naging maayos at mabilis ito kumpara sa dating sistema sa ilalim ng Stradcom.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Dinepensahan ng Information Technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpuna ni LTO chief Teofilo Guadiz na mabagal na sistema ng Land Transportation Management System (LTMS) na apektado ang transaksyon sa mga LTO offices.

Ayon sa Dermalog, ang IT Company na bumuo ng LTMS system, ang online portal ng LTO, ay nabigla sila sa negatibong pahayag ni Guadiz dahil kung titig­nan ang mga transaksyon sa LTO ay naging maayos at mabilis ito kumpara sa dating sistema sa ilalim ng Stradcom.

Ayon kay Dermalog Spokesperson Atty. Nikki De Vega na mismong ang LTO ang nagsabi sa mga isinagawang tests na mabilis ang kasalukuyang LTMS system bukod pa sa walang dagdag gastusin dito ang publiko.

Nang maitalaga si Guadiz sa LTO ay agad nitong sinita ang Dermalog at nanawagan sa ibang IT provi­ders na magpartisipa sa posibleng bidding ng system operation ng LTO. Partikular na iniaangal ni Guadiz ang mabagal na pagproseso sa driver’s license applications na inaabot ng 1 linggo na dati ay 2 oras lamang.

Paliwanag ni De Vega, ang nararanasang delay sa ilang transaksyon sa LTO offices ay hindi dahil sa Dermalog kundi dahil sa hindi pa rin naitu-turnover ng Stradcom ang database para maisama sa LTMS system.

Dismayado ang Dermalog kay Guadiz dahil sa halip na sa kanila unang ilapit ang isyu ay binanggit ito ng opisyal sa isang press conference.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with