^

Police Metro

Biker nagulungan ng 2 sasakyan, utas

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang biker matapos magulungan ng dalawang sasakyan sa tabi ng kahabaan ng Maharlika National Highway ng Brgy.Concepcion Pequeña, Naga City, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Manuelito Sta. Ana Senson, 46, residente ng Brgy. Sua, Camaligan.

Sa ulat, alas-5:45 ng hapon magkasunod na binabagtas ang highway ng Honda City Sedan (NCI-7399) na minamaneho ni Sarah Balanlayos Sta.Ana, 31, nurse, residente ng Brgy. Sua, Camaligan at ng nagbibisikletang si Senson nang aksidenteng mabangga nang sumusunod na Toyota Lite Ace Van (TMG-671) na minamaneho ni Joel Bagadiong Perlado, 44, guro, ng Zone-3, Brgy. San Agustin, Pili.

Sa lakas nang pagkakabangga parehong nawalan ng kontrol ang kotse at van kaya’t nabangga at nagulungan nila ang nagbibisiklitang biktima.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with